WALA pa ring nakikitang magandang dahilan si Pangulong Rodrigo Duterte para matigil na ang tuloy tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Pangulo, ito ay bunsod ng patuloy na labanan sa pagitan ng barangay Ukraine at Russia na naglilikha ng pagdiskaril sa export at import.
Habang lumilipas ang mga araw, sinabi ng Pangulo na maari rin itong humantong sa sitwasyon na magamit na rin ang langis bilang armas o ang tinatawag na weapon of choice.
Pabirong sinabi ng Pangulo na mabuti na lamang at malapit nang matapos ang kanyang termino at ang kawawa umano ay ang susunod na administrasyon na tiyak nang papasanin ang nasabing mabigat na dalahin.
Nagbabala naman ang Pangulo sa mga grupo ng transportasyon hinggil sa patuloy na pagsirit ng pagtaas ng langis at wala umanong katiyakan kung hanggang kailan ito mararanasan.
Panawagan ng Pangulo sa mga transportation groups na bago sila magreklamo at magsagawa ng demonstrasyon ay sana ay nauunawaan nila ang kahalagahan ng langis at paano nito naapektuhan ang lahat ng bansa sa mundo. Beth C