OIL PRICE HIKE NG 2019 NAKAAMBA SA SUSUNOD NA LINGGO

MATAPOS ang ilang serye ng rollback noong isang taon, sasalubong naman sa mga motorista ang oil price hike sa ika­lawang linggo ng 2019.

Pero nilinaw ng mga kompanya ng langis na hindi ito dahil sa ikalawang bugso ng excise tax kundi dahil sa pagmahal ng imported na produktong petrolyo.

Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang imamahal ng gasolina.

Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang itataas ng presyo ng diesel.

At ang taas-presyo ng kerosene ay maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na puwede lamang mag-adjust ng presyo dahil sa mas mataas na excise tax kung maubos na ang lumang stock ng isang oil company.

Nasa 15 araw hanggang isang buwan dapat ang imbentaryo ng mga malalaki at independent oil players.

Comments are closed.