MAGTUTULOY-TULOY pa ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Ito ang ibinabala ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) sa kabila ng pagtaas sa presyo ng gasolina at krudo kahapon na ikaapat na pagkakataon sa nakalipas na ilang linggo.
Ayon kay OIMB Director Rino Abad, sa kasalukuyan ay mataas ang demand sa petrolyo dahil sa political crisis sa ilang oil-producing countries kabilang dito ang gulo sa Iran, Venezuela at Libya.
Ramdam ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market sa kabila ng pagtiyak ng Organization of Petrole-um Exporting Countries (OPEC) na dadagdagan nila ang kanilang produksiyon.
Lumalabas sa monitoring ng OIMB na tumaas sa $3.53 kada barrel ang halaga ng gasolina samantalang $3.15 kada barrel naman ang taas-presyo ng krudo sa world market sa nakalipas na linggo at $3.00 kada barrel sa kerosene.
Comments are closed.