PANIBAGONG taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
Narito ang tinatayang pagsipa sa presyo ng langis sa Martes: Gasolina — P0.40-P0.50 kada litro; Diesel — P0.50-P0.60 kada litro; Kerosene — P0.30-P0.40 kada litro.
Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 ang magiging dagdag-presyo sa gasolina.
Posible ring magtaas ang presyo ng diesel na maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro.
Pati kerosene, tataas din ang presyo ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng imported na petrolyo sa world market.