OIL WELL SA CEBU BINUKSAN

PINASINAYAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Polyard-3 well site para sa kauna-unahang commercial oil at gas production ng Alegria oil fields, sa bayan ng Alegria, Cebu.

Mismong si Pa­ngu­long Duterte ang na­nguna sa formal extraction ng oil at gas reserves ng oil field sa Barangay Montpeller na sinaksihan din nina Energy Secretary Alfonso Cusi, Alegria Mayor Verna Magallon at China International Mining and Petroleum Company chairman Lam Nam.

Inaasahan na magi­ging malaki ang ambag ng nasabing oil field hindi lamang sa ekonomiya ng Cebu  kundi ng bansa at makatutulong sa energy sector lalo’t maaa­ring magbenta ng krudo sa mga power plant operator sa mas mababang presyo.

Ang naturang kompanya ang service contractor o nangangasiwa sa naturang proyekto sa oil field na may reserbang aabot sa 28 milyong bariles ng krudo at maaaring mag-produce ng 3.35 million barrels hanggang taong 2037.

Sinabi naman ni Department of Energy Alfonso Cusi  na ang dalawang  wells ng  Alegria Oil Field ay makapagpoprodyus ng kabuuang  360 barrels bawat araw. Bawat well ay makapagpoprodyus ng 180 barrels bawat araw. Sinabi pa niya na ito ay magsisilbing isang major breakthrough sa  Philippine oil at gas industry.

Dagdag pa ni Cusi ang unang pag-aaral ay nagpapakita na ang oil field ay puwedeng makasuporta ng  60-MW plant, na malaki ang maitutulong sa pagbabago ng power supply ng Visayas region.

“It will help the economy because it will support the local industry using crude oil. That will be a big help even though it’s only 360 barrels because it is still a positive development,” sabi ni Cusi.

Ang nasabing oilfield ay may total area ng 197,000 ektarya na may tinatayang 42,749 ektarya na nakalaan sa  production area.

CEBUANO PINURI NI DUTERTE

Pinuri at pinasalamatan ni Pangulong  Duterte ang mga Cebuano dahil sa kanilang produksiyon ng langis at gas.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga Cebuano ay makakapagpatuloy na sa kanilang buhay na mayroon silang sariling suplay ng langis para masuportahan ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya sa lugar.

Sinabi pa ng Pa­ngulo na dapat unahing siguruhin ng Cebu ang kanilang pansariling pa­ngangailangan sa langis.

Pero, pinaalalahanan niya ang mga Cebuano na huwag kalimutan na ibahagi ang kanilang resources sa kanilang kalapit probinsiya tulad ng Bohol, Negros at Leyte.

“Prepare for an expansive human and economic development. Madaghan na (It will increase),” sabi ni Duterte. “So prepare for that… and do not forget your fellowmen.”

Dahil sa development ng Oilfield, hinimok ng Presidente ang mga opisyal ng bayan ng Alegria na pag-ibayuhin ang kanilang urban planning.

“You have to spend the money locally, infrastructure, improve the living conditions, getting somebody into a gainful employment tanan-ta­nan,” sabi ni Duterte.

“It is a magnet that draws people together. But since we are Filipinos, you should accommodate them and partake of the bounties of what God has given us in the bowels of the earth,” dagdag pa ng Pangulo.

Comments are closed.