Okay ka ferry ko

Nagsimulang mamayagpag ang Pasig ferry noong Febryary 2007. May lalim ang ilog Pasig na amin na metyro, at may habang 25.2 kilometro at lapad na 15.7 metro na kumukunekta mula Laguna de Bay hanggang Manila Bay.

Dinaraanan nito ang buong Maynila na siyang kapitolyo ng Pilipinas.

Noong una ay may bayad na P20 bawat sakay sa ferry, malayo man o malapit. Ang pinakasentro nito ay ang Guadalupe Terminal. Sa kasalukuyan ay libre ang pagsakay dito basta may ipakikitang valid ID.

Kung tutuusin, kahit may bayad sa Pasig ferry ay napakamura pa rin ng P20 dahil mula Pasig City hanggang Quiapo Church gamit ang bus o jeepney ay may pamasaheng ₱20 – ₱35 na ang haba ng biyahe ay aabutin ng 41 minuto kung walang traffic.

Kung walang traffic, ewan kung gaano katagal. Kung taxi naman, aabutin ng ₱200 – ₱250 kung walang traffic. At kelan ba walang traffic sa Metro Manila?

Bago pinaglayag ang Pasig Ferry, ipinalinis muna ng San Miguel Corporation ang ilog, bilang baagi ng kanilang ₱95-billion Pasig River Expressway project.

Sa ngayon ang Pasig River Ferry System ay may 15 ferry in operation, na kayang magdala ng maraming pasahero. Ito na ngayon ang pinakapopular na ferry sa Pasig River patungong Intramuros – dahil wala namang iba. Ngayong 2024, sa loob lamang ng tatlong buwan, ay nakapagsakay na sila ng 46,497 commuters ng libre, katunayang ligras ito at napakagandang mode of transportation. Wala pang napapag-usapan kung magtatakda na sila ng taripa o bayad, ngunit basta may gustog sumakay, kailangang magpakita muna ng ID. Gayunman, ang ferry service ay mula Lunes hanggang Sabado lamang, mula 6:00 am hanggang 5:00 pm. Ang araw ng Linggo ay araw ng pahinga para sa lahat. Mayroon silang 13 ferry stations sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

May ferry din mula Makati hanggang Binondo. Sasakay ang commuter sa Guadalupe terminal at bababa naman siya sa Escolta Terminal. Pwede ring bumaba ang commuter sa Plaza Mexico Ferry Station kung pupunta siya sa Bureau of Immigrations. Ang biyahe ay aabot ng 40 minutes, ngunit medyo matagal ang paghihintay ng ferry.

Nagsisimula ang ferry sa Pinagbuhatan Terminal sa Laguna de Bay at maglalakbay patungo sa Manila Bay. Daraanan nito ang mga terminal ng Kalawaan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, PUO, Quinta, Lawton at Escolta. Dati, ang Pasig River ay pangunahing pinagkukunan ng tubig, pagkain at kabuhayan, gayundin ng transportasyon. Kung natatandaan ninyo sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, ang ilog Pasig ang pangunahing daanan ng bapor Tabo. May ilang eksena rin ng paliligo sa ilog at lambingan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra – dahilan kaya nagkaroon ng Lambingan Bridge.