OKTUBRE – BUWAN NG MGA GURO

Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga GURO. Hindi kapaimbabawang sabihin at ipahayag sa sinuman na ang GURO ang pinakadakilang propesyon sa lahat. Ang pagtitiis at pagsusumikhay ng mga guro sa pagtuturo na may kaakibat na pagmamalasakit sa pagsasalin ng mabuting karunungan sa mga mag-aral ay natutulad sa isang punong-kahoy na hindi kailanman masusukat ang katatagan kung gaano katayog o kayabong ang kaniyang mga sanga, kundi kung gaano kalalim ang pagkakaugat ng kaniyang puno. Gayundin naman, hindi alintana ng mga mapagkalingang guro ang anumang alalahanin o dagok ng pagsubok na dumaratal sa kanilang buhay.

Ang totoo, may mga pagkakataon din na natitigatig ang kanilang loob at halos panawan din ng pag-asa sa bigat ng pagdadala ng problema, personal man o sa pamilya. Subalit, hindi sila sumusuko, palibhasa ay pinakahahangad ng dakilang guro na maipagtagumpay niya ang kaniyang katungkulan upang huwag mabigo ang inaasahan ng mga mag-aaral at ng mga magulang. Ang mga dedikadong guro ay parang saranggola kung ituring na kung saan malakas ang ihip ng hangin ay lalo namang pumapaimbulog , at ang paglipad ay nagiging matayog. Sapagkat, hindi maikakaila ang masayang damdamin ng mga guro kapag ang kanilang naging estudyante ay nagtatagumpay. Katulad ng magulang, hindi nila maipaliwanag ang isinisigaw ng kanilang damdamin dahil sa katuwaan kapag ang kanilang naging estudyante ay sumusulong sa buhay na ito. Ang totoo ay very proud nilang sabihin sa kaninuman na “naging estudyante ko yan”. Marahil sa isang sulok ay naluluha pa ang guro sa kagalakan at nasasabi nila sa kanilang sarili na – “salamat nakabahagi ako sa pagtutur
o sa kaniya”. Teachers are part of the success of the parents whenever their students become successful. Datapuwat, kapag nababalitaan naman ng mga guro na ang ilan sa kanilang naging estudyante ay nahinto na sa pag-aaral at ang iba ay nasadlak pa sa iba’t-ibang bisyo, masasamang barkada at kalayawan at naging sawimpalad, ang mga guro, tulad ng mga magulang, ay napipighati rin ang puso sa labis na panghihinayang.

Ganyan ang tunay na damdamin ng dakilang guro. I learned that “quality education is a great equalizer”. Ito ang nagbibigay ng maraming pagkakataon sa lahat ng mga mahihirap. Ang tamang edukasyon ang nagpapalaya sa gapos ng pagdaralita at karukhaan. But, I believe, quality education is not possible to attain without quality teachers with higher order thinking skills. Some people say, quality teachers cannot exist without adequate protection and incentives. In certain extent, this is true and believable. But, not all the time. Sapagkat, ang dakilang guro na nagtatalaga sa kaniyang propesyon ay laging nagsusumikhay at nagsisikap na maging mabuting kasangkapan sa pagpapahalaga sa magandang edukasyon, kahit pa ang sinasahod ay hindi sumasapat sa wastong pangangailangan ng kanilang sambahayan. Higit sa lahat, ang makatao at maka-Diyos na guro ay hindi tumatanggap ng anumang suhol para paboran ang sinuman. We know that teaching is not and never meant to make money. Mababa ang pasahod ng pamahalaan. But, what the teachers are doing is the best public service. We hope that the people in time will appreciate the sacrifices of the teachers. I myself, I have been very stingy or not so generous with my praises and appreciation for all the efforts of our teachers. But, though unsaid, teachers are the best heroes of all time. Mabuhay ang lahat ng mga guro! We love you all.

ni Tirso Peralta