PASOK sa top brass ng Philippine National Police (PNP) si PMaj. Gen. Edgar Alan Okubo makaraang italaga bilang bagong The Chief of the Directorial Staff (TCDS).
Ang puwesto ay ikaapat na pinakamataas na opisya sa PNP.
Epektibo ang pagtatagalaga ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil kay Okubo noong Biyernes, October 4, 2024.
Sa inilabas na general orders ng Office of the Chief PNP, nakasaad na epektibo October 4, 2024, ay hahawakan ni Okubo ang TCDS bilang kapalit ni Lt. Gen. Jon Arnaldo na nagretiro sa serbisyo kahapon, October 3.
Bago itinalaga si Okubo sa TCDS, unang inihayag ni Marbil na iniluklok si Maj. Gen. Leo Francisco kapalit ni Okubo sa Civil Security Group matapos pansamantalang inilagay sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU).
Ang pagtalaga kay Okubo ay kasabay ng pagpili ni Marbil kay Brig. Gen. Nicolas Torre III bilang acting director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ibinalik sa Camp Crame mula sa Police Regional Office 11 o Davao Region Police.
Pinalitan ni Torre sa CIDG si Francisco.
EUNICE CELARIO