‘OLAT’ SI WATANABE

Kiyomi Watanabe

AGAD na nagwakas ang kampanya ni Kiyomi Watanabe sa Tokyo Olympics nang yumuko kay Cristina Cabana ng Spain sa  first round ng women’s under-63-kilogram judo event sa Nippon Budokan Center.

Sa nakagugulat na resulta, kinailangan lamang ni Cabana ng 38 segundo upang maipuwersa ang ippon (winning point) kay Watanabe, na nagsanay sa Japan bago ang games.

Ang unang waza-ari ay ibinigay sa Spanish Judoka at kalaunan ay itinaas sa ippon, na tumapos sa laban.

Si Watanabe ay nagwagi ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games. Bago ito ay nanalo rin siya ng gold sa 2013, 2015, at 2017 editions ng biennial meet.  CLYDE MARIANO

One thought on “‘OLAT’ SI WATANABE”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *