Kaye Nebre Martin
May psychological reason kung bakit mas gusto natin ang mmga lumang kanta. Kasi naman, may alaalang naiwan ito sa atin, lalo na sa panahon ng ating kabataan. Umisip ka ng kahit anong kanta, kahit pa yung “Mag-exerdise Tayo Tuwing Umaga,” may maaalala ka. Pwedeng masaya, pwedeng malungkot, pwedeng nakakainis, pero laging meron.
Lahat raw ng lumang kanta ay awit ng pag-ibig. Kapag sinabing pag-ibig, hindi lamang romantic love ang pinag-uusapan. Halimbawa, yung “Ugoy sa Duyan” ni Celeste Legaspi, o kaya naman, Saranggola ni Pepe – walang nabanggit na love sa mga kantang yan, pero naroroon ang pag,a,ahal. Pagmamahal ng magulang sa kanyang anak.
Akala natin, ang love song ay tungkol lamang sa romantic love, falling in love, nasaktang puso, at ang mga damdaming dala ng mga pangyayaring ito. E paano naman ang pagmamahal ng anak sa magulang, ng kaibigan sa kaibigan, ng kapatid sa kapatid o ng kaibigan sab ff? O yung pagmamahal mo sa Panginoon o kaya naman ay sa career mo? Love din yon, di ba? Ibang klaseng love lang nga.
Ipinaaalala ng old music ang lumipas na panahon sa ating buhay. Oo nga at lumipas na, pero naroroon pa rin ang pilat sakit sakaling ikaw ay nasaktan, o ang sayang naglaho na. Oo, hindi na maaaring ibalik ang kahapon, ngunit sa kumportableng sulok sa ating puso, may natatagong isang daigdig na tayo lamang ang may alam.
Love songs daw ang pinakamabentang kanta, kasi, lahat, nakaka-relate. Pero sa paglipas ng panahgon, kahit anong kanta, nagiging love song na. Kasi, naging bahagi sila ng ating buhay – ng ating kabataang may halong saya at lumbay na may kaugnayan sap ag-ibig.
Marami rin namang mga bagong kanta ang magaganda pero para na iyon sa susunod na henerasyon. Sila naman ang makaka-relate sa lumang kanta, tulad atin ngayong nag-aabang na may magpatugtog ng paborito nating awitin.
Sabi ng ani Sharon Cuneta: “Mr. DJ can I make a rerquest,, pwede ba yung love song ko.” Sayang at wala na ngayong DJ na pwede kang mag-request ng kanta.