Inihayag ng Guinness World of Records ang pagpanaw ng pinakamatandang lalaki sa buong mundo nitong Nobyembre 25, 2024.
Si John Tinniswood ay pumanaw na sa edad na 112-anyos habang nasa home care center sa Southport, Northwest England.
Sa pahayag ng Guinness mula sa pamilya ni Tinniswood, pumanaw ito nang puno ng pagmamahal at musika sa kanyang paligid.
“John always liked to say thank you. So on his behalf, thanks to all those who cared for him over the years, including his carers at the Hollies Care Home, his GPs, district nurses, occupational therapist and other NHS staff,” pahayag ng pamilya ni Tinniswood.
PMET