‘OLYMPIAN MUSEUM’ IPINATATAYO

BILANG pagkilala sa ibinigay na karangalan, kahusayan at pagpupursige ng mga atletang Pinoy na sumabak sa Tokyo Olympics kung saan ilan sa mga ito ay nakasungkit ng medalya, kabilang na ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa pamamagitan ni weigthlifter Hidilyn Diaz, inihain sa Kamara ang panukalang pagtatayo ng Olympian Museum.

Sa House Bill No. 10096 o ang Philippine Olympian Memorial Act, binigyang-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City 2nd Dist. Rep. Eric Martinez ang pangangailangan na kilalanin ang  ‘honor, pride, and glory’ na ibinigay ng Filipino Olympians sa matagumpay at magiting na pagsabak ng mga ito sa Olympics sa kabila ng mabigat na hamon na kanilang kinaharap.

Ayon kay Martinez,  dating chairman ng House Committee on Youth and Sports Development, ang pagbibigay kadakilaan sa paglahok ng mga atletang Pinoy sa Olympics ay magsisilbi ring kapalit sa sakripisyong ibinigay ng mga ito kung saan maaari ring dito humugot ng inspirasyon ang mga kabataan at susunod pang henerasyon.

Dagdag pa ng kongresista, matapos ang kahanga-hangang performance ng Team Philippines sa katatapos na 2020 Tokyo Olympics na tinampukan din ng  silver medal finish nina boxers  Nesthy Petecio at Carlos Paalam at ng  bronze medal ni  boxer Eumir Marcial, tama at napapanahon lang din na maitayo  ang Philippine Olympian Memorial.

Sa kanyang panukala, nais ni Martinez na maipatayo ang Olympian Museum sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac, na magsisilbing official repository ng lahat ng Olympian records at iba memorabilias ng Team Philippines kung saan ang bawat mamamayang Pilipino ay maaaring bumisita upang magkaroon ng inspirasyon at kaalaman o impormasyon hinggil sa Pinoy Olympians.

Ipinapanukala rin ng kongresista na ang New Clark City Aquatics Center ay gawing ‘Teofilo E. Yldefonso Aquatics Center’ bilang pagkilala kay Teofilo E. Yldefonso, na nakasungkit ng dalawang Olympic bronze medals noong 1928 at 1932.

Ang New Clark City Athletics Stadium naman ay iminungkahi ni Martinez na pangalanan bilang ‘Simeon G. Toribio Athletics Stadium’ para kay Simeon G. Toribio na nanalo ng bronze noong 1932 Olympics, habang ang Philippine Institute of Sports Football and Athletics Stadium (dating ULTRA Stadium), na nasa PhilSports Complex sa Pasig City, ay tatawaging ‘Miguel S. White Athletics Stadium’  bilang pagkilala naman kay Miguel White na kumabig din ng bronze medal noong 1936.

Upang magsilbing paalala at kapulutan ng mabuting aral at pagsusumikap ng  mga kabataan, inaatasan sa ilalim ng  panukala ang Department of Education na isama sa basic education curriculum nito ang core values, principles, maging ang kabayanihan at sakripisyo na ibinahagi ng bawat national athlete sa pagnanais na makapagbigay ng malaking karangalan sa bansa. ROMER R. BUTUYAN

123 thoughts on “‘OLYMPIAN MUSEUM’ IPINATATAYO”

  1. 92243 189915Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this remarkable like you organize your company at the moment. educational 970268

Comments are closed.