OLYMPIC-BOUND PINOY BOXERS PUSPUSAN ANG TRAINING SA THAILAND

Ed Picson

MAY 107 araw na lamang bago ang Tokyo Olympics, ang tatlong Filipino boxers na kasalukuyang nagsasanay sa Thailand ay maaaring hindi na magkaroon ng pagkakataong makauwi bago magtungo sa Japanese capital.

Ibinunyag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson ang posibilidad na ito sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.

“Even before they left for Thailand last month, we presented them this scenario na baka tuloy-tuloy na sila sa Tokyo. There’s this possibility. And they understood,” wika ni Picson.

Ayon kay Picson, dahil sa istriktong travel restrictions ay maaaring mapilitan sina Carlo Paalam, Irish Magno at Nesthy Petecio na dumiretso sa Tokyo para sa Games na nakatakda sa July 23-Aug. 8.

“We’ve talked about it that their overseas training might be extended all the way up to the Olympics. Wala nang uwian,” wika ni Picson.

Si pro boxer Eumir Felix Marcial, na nagkuwalipika rin sa Tokyo Games, ay nagsasanay sa Los Angeles magmula pa noong October.

Sinabi pa ni Picson na sinisikap din ng ABAP na kumbinsihin si Marcial na samahan ang koponan sa Thailand, at tiniyak ang huli na bibigyan ito ng dekalidad na sparring partners.

“The training in Thailand will be an Olympics style training and not a professional style. So, it might be better for Eumir to join the rest of the team in Thailand,” ani Picson.

Bukod sa tatlong Tokyo-bound boxers, pitong iba pang miyembro ng  national team at limang coaches, sa pangunguna ni Nolito Velasco, ang nasa Thailand bilang bahagi ng paghahanda para sa Hanoi SEA Games sa November.

“We have other boxers there (Thailand) helping our Olympians train, and at the same time raise their level heading to the SEA Games,” sabi pa ni Picson.

Mula sa Thailand, ang mga Filipino boxer ay nakatakdang sumabak sa Asian Championships na magsisimula sa May 21 sa New Delhi. At kung papayagan ng  COVID-19 situation, maaaring magtagal sila sa Indian capital para magsanay.

“Then they return to Thailand. Actually, we’re looking at other places or other countries where they can train but it depends which country is willing to let us in,” ani Picson.

“But it all depends on the situation. Everything is so fluid right now. And it’s nobody’s fault,” dag-dag pa niya. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “OLYMPIC-BOUND PINOY BOXERS PUSPUSAN ANG TRAINING SA THAILAND”

  1. 23324 632108When I initially commented I clicked the -Notify me when new comments are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any manner you possibly can take away me from that service? Thanks! 730323

Comments are closed.