OLYMPIC-BOUND PINOY BOXERS SA PSA FORUM

MAGIGING isang special 3-in-1 session ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, kung saan pangungunahan ng Philippine boxing team na sasabak sa Paris Olympics ang mga panauhin sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Sasamahan nina Olympians Nesthy Petecio, Aira Villegas, at  Hergie Bacyadan sina national team coaches Ronald Chavez, Reynaldo Galido, at Don Abnett upang talakayin ang kampanya ng Filipino boxers sa Paris Games, kasama si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo.

Magsisimula ang session sa alas-10:00 ng umaga.

Dadalo rin sa  public sports program si sports commissioner Fritz Gaston upang talakayin ang PSC Invitational Friendship Golf Cup ngayong weekend at ang mga nasa likod ng Silangan Basketball League, sa pangunguna nina founder Christian Ensomo, co-founder Nato Agbayani, at consultant Rudy Aquino.

Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ng ArenaPlus, ang nangungunang sports entertainment gateway sa bansa.

Ang session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa  Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.