TIWALA si House Committee on Youth and Sports Development Chairman at 2nd Dist. Valenzuela City Rep. Eric Martinez na madadagit na rin ng Filipinas ang mailap na Olympic gold sa Tokyo 2020 Summer Games na nakatakdang idaos sa Agosto.
“Carrying the momentum of the Filipino athletes’ very superb performance in the recently concluded 30th Southeast Asian Games, I am confident the country will finally snatch the elusive gold in the coming XXXII Olympiad which will be held in Tokyo, Japan, August this year,” anang kongresista.
“Having the biggest medal haul of the said biennial regional multi-sport event that the country hosted last year, the Philipines delegation in Tokyo 2020 Olympics will be in high spirit, greatly motivated and surely give their best shot to grab the gold medal honor,” sabi pa ni Martinez
Aniya, dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang number one fan at great supporter, kasama pa ang solid backing nina Speaker Alan Peter Cayetano, Senator Christopher ‘Bong’ Go, Cavite Rep. at Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng buong sambayanang Filipino, ang mga manlalaro ng bansa na sasabak sa 32nd edition ng Olympic Games ay nakatuon nang lubos sa pag-uwi ng medalyang ginto.
Sa nakaraan niyang privilege speech, isa-isang pinangalanan ng kongresista, bilang kanyang pagbibigay-puri na rin, ang Filipino athletes na nag-ambag para tanghaling overall champion ang bansa sa 30th Southeast Asian Games sa paghakot ng record-high 149 golds.
“Give me the numbers and let the numbers do the talking: 387 medals, 149 golds, 117 silvers, 121 bronze, the biggest gold medal haul in the history of Philippine sports,” ang bungad ni Martinez sa kanyang 28-minutes privilege speech. ROMER BUTUYAN