OLYMPIC MEDALISTS PAALAM, PETECIO SA 2022 BATANG PINOY OPENING

Ateneo Swimming

MISMONG sina Olympic silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang magpapainit sa opening ceremony ng PSC-Batang Pinoy National Championships ngayong taon na iho-, host ng Provincial Government ng Ilocos Sur, sa pagbubukas nito ngayong Sabado, Dis. 17, sa Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur.

Ang dalawang boxing champions, na nay mga pangalan na ngayon sa sport, ay produkto ng of grassroots programs ng PSC. Makakasama rin nila sina fellow national elite athletes, Olympic judoka Kiyomi Watanabe, SEA Games gold medalists Chloe Isleta at Mary Allin Aldeguer.

“The Batang Pinoy program has already produced numerous champions in various sports since it started in 1999. I am sure that the stories of our bemedaled athletes will inspire our young athletes who will be competing in Ilocos Sur, to reach the height they have achieved,” wika ni PSC Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala, na inaasahang pormal na magbubukas sa Batang Pinoy Games sa Sabado, bilang kanyang unang major project bilang sports agency chief.

Ang Batang Pinoy (National Youth Games) ay isa sa centerpiece programs ng PSC para sa grassroots sports. Layon nitong tugunan ang panawagan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilapit pa ang sports sa bawat Pilipino.

Ang iba pang VIPs na inaasahang dadalo sa opening rites ay sina host Province of Ilocos Sur Governor Jeremias “Jerry” Singson, Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, at ang chiefs at officials ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs).

May 6,000 kalahok mula sa mahigit 140 local government units ang magbabakbakan sa siyam na face-to-face sports na kinabibilangan ng archery, athletics, badminton, chess, cycling, table tennis, swimming, weightlifting, at obstacle course racing bilang demo sport.

Magsisimula ang mga laro sa opening day para sa archery sa San Ildefonso Central School, badminton sa Ilocos Sur Badminton Center, chess sa Baluarte Function Hall, swimming sa Quirino Stadium, at table tennis sa San Vicente Gymnasium.

Walong sports disciplines — arnis, dancesport, judo, karate, muay, pencak silat, taekwondo, at wushu — ang idaraos virtually via PSC Facebook at YouTube platforms.

CLYDE MARIANO