OLYMPIC QUALIFYING: FIL-JAP KARATEKA MAKIKIPAGSABAYAN

Junna Tsugii

HINDI lang ang judo at golf ang may atletang Filipino-Japanese na lalahok sa Olympic qualifying kundi maging ang karatedo, sa katauhan ni Junna Tsugii.

Ipinagmamalaki at ikinararangal ni Tsugii na lumaban dala ang bandila ng Filipinas kung saan determinado siyang malusutan ang matinding pagsubok sa kanyang career.

Dala ang tagum­pay sa Southeast Asian Games at Asian Games, makikipagsabayan si Tsugii sa mga banyagang katunggali na tulad niya ay  nagha­hangad na makapunta sa Tokyo, Japan kung saan gagawin ang 32nd quadrennial meet.

“Tsugii is the fifth Filipino-Japanese taking part in the qualifying. Sana ay makapasa siya sa qualifying,” sabi ni PSC acting executive director Atty. Guillermo Iroy, Jr. sa panayam ng PILIPINO  Mirror.

“Tsugii is a battler tested gifted with natural talent she showed in the Asian Games and SEA Games. Hopefully, she would pass the qualifying and compete in Tokyo,” wika ni Iroy.

Ang apat pang Filpino-Japanese ay sina Kiyomi Watanabe, Yuka Saso at ang magkapatid na Keisei at Shugen Nakano.

Lalaban si Watanabe at ang magkapatid na Nagano sa judo at si Saso sa golf, kasama sina dating Philippine Open champion Miguel Tabuena at Dottie Ardina na kamakailan ay lumahok sa Australia.

Sinabi ni Iroy na maraming atleta sa combat sports ang sasalang sa  qualifying, kabilang ang boxing, taekwondo, karatedo, at wrestling.

Kasama ni Tsugii na makikipagsapalaran sa karatedo sina Jamie Lim, Joane Orbon, Ivan Agustin at Filipino-Arab Sharief Afif. CLYDE MARIANO

Comments are closed.