OLYMPICS: MAGNO TODO-PAGHAHANDA

Irish Magno

PUSPUSAN na ang paghahanda ni Olympic-bound Irish Magno kung saan sinamahan niya sa training bubble ang iba pang mga boksingero sa masusing gabay ni coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

“Nasa training bubble si Magno kasama ang ibang boxers matapos mag-ensayo ng ilang buwan sa Iloilo,” sabi ni Velasco.

Pansamantalang natigil ang training ni Magno at ng iba pang boxers dahil sa global pandemic kung saan nanatili siya sa Iloilo.

“Malapit na ang Olympic Games at full blast ang kanilang training. Ilan buwan na lang ay sisimulan na ang Olympics sa Tokyo,” wika ni Velasco.

Ginabayan ni Velasco si Magno na nakapasa sa qualifying at inakay si Nesthy Petecio sa panalo sa Women’s World Bo­xing Championships na ginawa sa Russia.

Umaasa si Velasco na makalulusot din sa qualifying ang apat na iba pang aspirants na sina Petecio, Aira Villegas, Riza Pasuit at Hergie Bacyadan bagama’t aminado siyang malalakas ang kanilang mga kalaban.

“Mahirap ang kanilang laban, world-class ang kanilang mga kalaban. Sana makalusot sila,” ani Velasco.

Matapos ang Tokyo Olympics ay tutungo ang mga Pinoy sa Vietnam upang idepensa ang overall title sa boxing.

Kumpiyansa si Velasco na mapananatili ng kanyang tropa ang korona sa Hanoi dahil sa kanilang malawak na karanasan at mataas na morale sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at  ng MVP Sports Foundation. CLYDE MARIANO

One thought on “OLYMPICS: MAGNO TODO-PAGHAHANDA”

  1. 77884 333407That being said by use it all, planet is truly restored a little more. This situation in addition will this certain Skin tightening and starting to be moved and into the mood of these producing activities. everyday deal livingsocial discount baltimore washington 442432

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *