OLYMPICS TARGET NG TRIATHLON UST NANGUNGUNA SA UAAP GENERAL CHAMPIONSHIP RACE

UAAP

NAKATUON ang University of Santo Tomas sa ikatlong sunod na UAAP general championship makaraang pangunahan ang karera matapos ang first semester ng  Season 81.

Ang Growling Tigers ang nag-iisang koponan na nakatuntong sa 200-point mark nang matapos ang lahat ng 11 scheduled sports para sa first semester, sa pag-iskor ng 212 points sa kabuuan.

Winalis nila ang beach volleyball, table tennis, at judo competitions habang kinuha ang women’s title sa athletics.

Samantala, ang makasaysayang men’s athletics title at ang pagbabalik sa finals ng men’s basketball ng University of the Philippines ay naghatid sa kanila sa ikalawang puwesto na may 188 points.

Nakopo ng Fighting Maroons ang men’s athletics championship sa unang pagkakataon magmula noong 1982, habang nalusutan nila ang 1-3 simula sa kanilang men’s basketball campaign at ang twice-to-beat disadvantage sa ‘Final Four’ upang makabalik sa Finals sa unang pagkakataon magmula nang magkampeon noong 1986, at kalaunan ay nagkasya sa runner-up finish sa Ateneo Blue Eagles.

Pumapangatlo ang De La Salle University, sumandal sa kanilang team championships sa women’s chess at poomsae, na may 178 points.

Nasa ika-4 na puwesto lamang ang Ateneo na may 155 points sa kabila ng kanilang ikalawang sunod na men’s basketball gold at sa sweep sa swimming competitions, kasama ang championships sa women’s badminton at women’s fencing.

Ang host school National University ay nasa ika-5 puwesto na may 131 points, kasunod ang University of the East na may 125, Far Eastern University na may 105, at Adamson na may 76 points.

Magpapatuloy ang season sa Enero, tampok ang volleyball at football competitions. PNA

Comments are closed.