KINALAMPAG ng Malacañang ang Office of the Ombudsman na madaliin ang pagdinig sa mga kasong naisampa laban sa mga responsable sa madugong Mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 Special Action Force commandos ng Philippine National Police.
Kahapon ay ginunita ang ikaapat na taong kamatayan ng 44 mga biktima na ang mga naulila ay patuloy na nagdadalamhati at sumisigaw ng hustisya.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na naghahanap na ng katarungan ang buong sam-bayanan para sa mga biktima at hiniling na papanagutin ang mga responsable sa nabanggit na operasyon na ang pakay ay masilo ang Malaysian bomber na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan.
Giit ni Panelo, hindi sapat ang mga pagkilalang ibinigay sa katapangan ng mga pulis na nasawi sa malagim na insidente, dapat ay maibigay sa mga ito ang hustisya gayundin sa kanilang mga naiwang pamilya.
Hindi umano kailanman dapat na maulit ang trahedya na resulta ng isang malaking kamaliang dapat na matutunan.
Kasama sa mga kinasuhan sa pagkasawi ng SAF 44 ay sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating PNP Chief Alan Purisima.
“Today, January 25, a grieving nation remembers the tragedy that befell the PNP officers in Mamasapano, Maguindanao. We pay homage to the bravery and heroism of the 44 uniformed personnel of the Special Action Force known as the Fallen SAF 44. They offered and gave their lives for the country and the people,” ani Sec. Panelo.
“Even as we continue to pray for the eternal repose of the souls of these gallant heroes who were recipients posthumously of the PNP Medal of Valor (Medalya ng Kagitingan) and as we share in the grief of their bereaved families, we urge the Office of the Ombudsman to resolve with dispatch the case filed against those who recklessly placed them in mortal peril. The nation demands justice for them as well as the prosecution of those responsible for the botched police operation,” pahayag pa nito. AA
Comments are closed.