OMBUDSMAN NAGTALAGA NG BAGONG SPECIAL PROSECUTOR

MALUGOD na tinanggap ng Office of the Ombudsman si Justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang bagong talagang Special Prose­cutor.

Pinangunahan ni Ombudsman Samuel Martires kasama ang iba pang opisyal at em­pleyado ang pag-welcome kay Punzalan-Castillo na nagsimula ng kanyang karera sa legal na larangan bilang isang imbestigador sa Tanggapan ng Tanodbayan noong 1979, isang posisyong hinawakan niya hanggang 1985 nang siya’y itinalaga bilang Prosecutor sa parehong opisina.

Noong 1989, siya’y na-promote bilang Special Prosecution Officer III sa Office of the Special Prosecutor, kung saan siya ay naglingkod ng apat na taon.

Kasunod nito ay pumasok siya sa Hudikatura bilang Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court ng Lungsod Que­zon mula 1993 hanggang 1999 at kalaunan ay naging Presiding Judge ng Regional Trial Court ng Quezon City mula 1999 hanggang 2004.

Taong 2004, nang itinalaga si Punzalan-Castillo bilang Associate Justice ng Court of Appeals at nagretiro bilang Presiding Justice bago ang kanyang pagkakatalaga bilang Special Prosecutor.

Si Justice Punzalan-Castillo ang magsisilbing ikawalong Special Prosecutor at manunungkulan hanggang 2031.

RUBEN FUENTES