OMICRON CASES SA PINAS 535: NASAWI, 5 NA

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na tatlo pang indibiduwal na apektado ng Omicron variant ng COVID-19 ang namatay.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa lima ang Omicron-related fatalities sa bansa.

Tatlo sa nasabing bilang ay mga senior citizen na mayroong comorbidities.

Isa sa mga pumanaw ang partially vaccinated, isa ang unvaccinated, habang tatlo ang bineberipika pa.

Sa kasalukuyan ay nasa 535 ang naitalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.