OMICRON XE VARIANT NG COVID-19 NAKAPASOK NA SA SOUTH KOREA AT JAPAN

MATAPOS  madiskubre sa Britanya, nakapasok na rin sa South Korea ang unang kaso nito ng Omicron recombinant variant na XL.

Kinumpirma ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na isang pasyente ang mayroong XL variant, na nag-positibo noong Marso 23.

Tinurukan ito ng third dose, walang travel history at nagpakita lamang ng mild symptoms ng COVID-19.
Isa ang XL sa 17 kombinasyon ng dalawang sublineages ng Omicron na BA.1 at BA.2.

Nagsasagawa na ng Whole Genomic Sequencing ang KDCA upang mabatid kung mayroon pang ibang XL carrier sa bansa.

Samantala, nakapasok na rin sa Japan ang Omicron XE variant ng COVID-19.
Kinumpirma ng Japanese health ministry na isang babaeng mula Estados Unidos ang kauna-unahang kaso ng Omicron XE.

Marso 26 nang dumating sa Narita International Airport ang nasabing babae.

Magugunita noong isang linggo ay kinumpirma rin ng Thailand ang pagpasok ng nasabing recombinant na tinawag ding “frankenstein COVID variant”.