LAST Friday, our very own Gerald Santos had his 400th performance as Thuy in Miss Saigon UK international tour at Alhambra Theatre, Bradford after Norwich Royal and he is just getting better each day.
Mula sa aming kaibigan na nakabase na sa UK at nakapanood na kay Gerald at mula noon ay nakatutok sa mga kaganapan ng mga taga-Miss Saigon, puro positive daw ang mga naririnig nila tungkol kay Gerald at bilib na bilib sa kanyang performance doon. Wala raw silang itulak-kabigin. Sa tinagal na rin doon ng singer-now stage actor, higit pang napatunayan ni Gerald na deserving siya sa ibinigay sa kanyang role ni Cameron MacKintosh.
Sa huling balita namin, mayroon nang agent na mas makatutulong kay Gerald sa UK, kaya namimiligro na baka hindi pa siya makauwi tulad ng dati niyang ginagawa na magbakasyon ng ilang linggo taon-taon.
But sana makauwi siya this November bago siya tumulak patungong Switzerland for an intimate concert.
Looks like things are coming up roses for Gerald and ito ay inaasahan na. Malaki ang nagagawa ng magandang attitude at ito ang isang bagay na meron siya, hindi mapagmalaki kaya pinagpapala.
Gusto ko sana kay Gerald although hindi naman tayo ang may hawak ng buhay natin, na magtuloy-tuloy na ang kanyang performance sa abroad, hindi lamang sa Miss Saigon kundi sa iba pang avenue na mas makilala pa ang kanyang husay bilang best theatre actor. Hangad ko na tumuloy siya sa Broadway at iba pang proyekto.
Now that he has an agent in UK, naniniwala akong malayo pa ang tatahakin ni Gerald sa international stage.
MARICRIS GARCIA MAG-AALA BARBRA STREISAND
SA KANYANG FIRST MAJOR SOLO CONCERT
PABORITO pala ng Kapuso artist na si Maricris Garcia at matatawag na Pambansang Theme Song singer ang kanyang iniidolong si Barbra Strei-sand, at sa kanyang parating na concert na gaganapin sa September 28, Friday at Teatrino in Greenhills ay aawitin ni Maricris ang kanyang favourite pieces ng international singer.
Since birthday ni Maricris ngayong buwan at nasa ika-11 taon na rin niya sa showbiz, ito na aniya ang kanyang treat sa kanyang sarili at sa kanyang fans.
“It will be a very intimate concert,” ani Maricris, “more of a storytelling type. I want to share my journey since I started my career up to the present, as well as my personal life, my music influences and more.”
She will be joined by Asia’s Songbird Regine Velasquez, Mark Bautista and Nar Cabico and baka magkaroon pa ng ibang guest performers.
Mismong si Maricris ang nag-conceptualize ng kanyang concert na ididirek naman ni Marc Lopez.
For inquiries, call Teatrino at 741-2949 local 116 or you may contact 0917-8508747.
Comments are closed.