DAHIL sa kakaiba at nakakaantig na kuwento, patuloy na inaabangan ng mga manonood at netizens ang top-rating at well-loved primetime series ng GMA Network na Onanay.
Marami ang pumupuri sa nakadadalang pagganap ng mga bida rito, kaya naman grateful din ang stars ng show sa mainit na suportang natatanggap nila gabi-gabi.
Nangako si Jo Berry na gumaganap sa karakter ni Onay na mas marami pang mga exciting na episode ang dapat abangan sa Onanay. “Happy po ako sa show na ito, sa character ko, sa mga katrabaho ko at lalong-lalo na sa lahat ng sumusuporta sa Onanay, thankful po kami sa kanilang lahat.
Marami pong revelation na magaganap sa mga susunod na episodes kaya sana po hindi sila magsawang manood.”
Si Mikee Quintos naman ay masaya sa success na patuloy na tinatamasa ng show, “Sobrang saya po namin na ganito kainit ang suporta nila sa Onanay. Minsan nasa labas ako o sa mall show, ang tawag nila sa akin ay Maila. Nakatutuwa na tumatak sa mga manonood ‘yung characters namin kaya thankful po talaga kami.”
Ang on-screen sibling niyang si Kate Valdez ay overwhelmed din sa pagmamahal ng mga manonood. “Grabe po ‘yung reception sa amin ng mga manonood, talagang dalang-dala sila sa kuwento tsaka ramdam namin ‘yung suporta nila gabi-gabi sa social media,” she shares. “Sobrang grateful po kami na nagugustuhan nila ‘yung show at hindi nila kami binibitiwan,” aniya pa.
Sina Superstar Nora Aunor at seasoned actress Cherie Gil ay parehong nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa serye.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, pumayag na si Natalie (Kate Valdez) na tumira sa bahay nina Onay (Jo Berry), Maila (Mikee Quintos), at Nelia (Nora Aunor), kapalit ng pagpapalaya nila sa lola niyang sa Helena (Cherie Gil) mula sa kulungan. Pero hindi pa rin tanggap ni Natalie na sila ang tunay niyang pamilya at lalong titindi ang galit niya sa mga ito.
Sa ilalim ng direksiyon ni Gina Alajar, huwag palalampasin ang Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA Telebabad.
Comments are closed.