ONE BAGGAGE POLICY IPATUTUPAD NG CEBU PACIFIC

IPATUTUPAD ang one baggage policy ng Cebu Pacific sa bawat pasahero upang maging maayos at kombinyente ang kanilang flight experience habang ang buong Pilipinas ay nasa ilalim ng pandemya, ayon sa pamunuan ng airlines na ito.

Nilimitahan din na ang hand carry baggage ay hindi susobra o lalagpas sa pitong kilogram ang bigat, at kayang ilagay o magkasya sa overhead bin ng eroplano o kaya sa ilalim ng upuan.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, ang one hand carry baggage policy ay naaayon sa airline policy goal upang maging maayos at walang aberya sa karanasan ng mga pasahero habang nakasakay sa eroplano.

Kaugnay nito ipinagbibigay alam sa mga pasahero na mula sa Setyembre 1, 2021, ang hindi susunod sa polisiyang ito ay magbabayad ng P1,000 ang bawat pasahero sa domestic flight, at P1,500 sa tinatawag na short haul o kaya’y P3,000 sa long haul para sa International flight.

At sa ilalim ng airlines contactless policy ay hinihikayat ang lahat ng pasahero na magbayad sa mga accredited airlines collection agent, bilang pagsunod sa ipinag-uutos ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang makasiguro ang CEB at maiwasan ang mga unnecessary flight delays ng kanilang mga domestic at international flights.

Samantala,ang mga pasaherong bibili ng karagdagang items sa airport, at may dalang mga medical needs ng bata ay exempted o hindi na pagbabayarin, bagkus ipakita lamang ang official receipt ng tindahan kung saan binili ang items. FROI MORALLOS

15 thoughts on “ONE BAGGAGE POLICY IPATUTUPAD NG CEBU PACIFIC”

  1. 43616 579903Hello! Ive been following your blog for a whilst now and finally got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to mention keep up the excellent work! 430306

  2. 412382 265797Hello my family member! I wish to say that this post is amazing, great written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 141995

Comments are closed.