(NI: EDWIN CABRERA)
LIKAS na sa mga Filipino ngayon ang paglalaan ng araw upang makasama ang pamilya at pansamantalang makapagpahinga mula sa kani-kaniyang trabaho o stress sa buhay. Sa pag-usbong din ng social media, mas dumami ang nagnanais na makapag-travel within the country upang ibahagi ang experiences nila with their family. Pero tiyak na sa pagpaplanong ito ay gusto natin na ang lahat ng magagastos ay reasonable at “budget-friendly”. At kung isa nga ang Cebu sa mga lugar na balak mong bisitahin, One Central Hotel is the hotel that you may want to consider. Alamin kung bakit.
Ang One Central Hotel ay matatagpuan kung saan nakapuwesto noon ang Central Train Station ng Cebu – the heart of the downtown area. Perfect starting point ang hotel na ito sapagkat accessible ang lahat mula sa nasabing location tulad ng bus terminal, port area, markets, at marami pang iba.
Sa katunayan, mula sa Mactan Cebu International Airport, 30 to 45 minutes lang ang biyahe papuntang One Central Hotel. Kung magmumula ka naman sa Cebu Pier, 1, 10 to 15 minutes lang ay mararating mo na ang hotel.
Ang One Central Hotel ang pangunahing business hotel sa downtown area. Mayroon silang 157 rooms – 24 deluxe single rooms, 24 deluxe double rooms, 100 deluxe twin rooms, 6 junior suite rooms, at 2 executive suite rooms. Sa personal na pagbisita ng PILIPINO Mirror, talaga namang napatunayan ng One Central Hotel rooms are well-maintained, clean, luxurious yet affordable. Ang bawat room ay air-conditioned, may refrigerator, may flat screen TV for entertainment, at WiFi for connectivity. Regular ding binibisita ang mga kuwartong ito ng mga staff mula sa housekeeping department upang matiyak ang kalinisan para sa quality accommodation na pangako ng One Central Hotel.
Tiyak namang hindi rin kayo gugutumin dahil bukas ang kanilang Café Tartanilla upang i-accommodate ang cravings ng mga bisita mula sa kanilang buffet spreads and a la carte choices. Panalo sa options ang guests ng One Central Hotel dahil sila lang ang hotel na may mall o shopping center sa ground floor. Talaga nga namang napaka-convenient nito lalo na kung mas gusto mong mag-relax na lang sa hotel with your loved ones.
Kung usapang amenities naman – hindi rin kayo bibiguin ng One Central Hotel. Kung nais mong ma-maintain ang iyong figure; worry no more dahil sa 19th floor ay matatagpuan ang kanilang gym. Sa parehong floor din matatagpuan ang kanilang swimming pool na may breathtaking view ng downtown area. It is the tallest hotel in the said area kaya naman panalo talaga ang Panoramic View!
Ngunit hindi lang sa mga nabanggit kilala ang One Central Hotel. Kilala rin ang hotel dahil sa function rooms nito na madalas pagdausan ng iba’t ibang private events. Kung ikukumpara nga ito sa mga kalapit nilang hotels, ang function rooms nila ang pinakamalaki na may maximum capacity of 300 guests. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 7 function rooms na ipinangalan nila sa mga puno tulad ng Molave, Nara, at Sequoia.
“One central hotel is the perfect pick for business and media travelers. We are very convenient and accessible,” wika ni Zoa Manayaga, MarComm Associate ng One Central Hotel. Dagdag pa na may travel agency rin ang hotel nila para sa mga gustong libutin ang mga karatig nitong bayan.
Ang One Central Hotel ay nasa pangangasiwa ng Bluewater Hospitality na kilala naman sa iba pa nitong resort hotels all over Visayas and Mindanao.
Sa lahat ng ito, masasabi mo talagang ang One Central Hotel is the hotel that offers quality accommodation that is not pricey. Serbisyong luxurious pero hindi ka mapapamahal sa gastos. Kaya naman kung balak mong libutin ang Cebu o kalapit pa nitong cities, i-check mo na sa checklist mo ang accommodation mo with One Central Hotel.
For reservation, maaring tumawag sa kanilang telephone landline (02) 888 800, mag-email sa [email protected] o bisitahin sila mismo sa Corner Leon Kilat and Sanciangko Streets, Cebu City, Philippines 6000.