ASAHAN ang umaatikabong bakbakan sa pagbabalik nina Geje Eustaquio at Adriano Moraes para sa third instalment ng classic trilogy sa ONE Championship: Hero’s Ascent sa Mall of Asia Arena sa Biyernes.
Ang dalawang flyweight rivals ay muling magsasagupa upang tapusin ang laban na nagsimula pa noong 2014 nang matalo ang Filipino fighter kay Moraes via guillotine choke sa second round. Noong nakaraang taon ay nakaganti si Eustaquio at itinanghal na undisputed ONE flyweight champion makaraang igupo ang Brazilian.
Sa faceoff sa pre-fight na ginawa sa City of Dreams, kapwa nagpahayag ng kahandaan ang dalawa sa bakbakan na tinaguriang ‘Asia vs South America’.
“I am determined to win this fight to please my countrymen who are praying for my success. I cannot afford to let them down. I will do everything and utilize all my skills and experience to retain my title and satisfy my kababayan. Gusto ko maganda ang start ko sa taon at pipilitin kong manalo,” sabi ni Eustaquio.
Anang Pinoy, naghanda siya nang husto dahil malakas, magaling at beterano ang kanyang katunggali.
“Physically at mentally fit ako sa laban na ito. I trained regularly harnessing and polishing my skill to perfection. I cannot afford and relax because my opponent is tough and strong,” sabi pa ni Eustaquio.
Tulad ni Eustaquio, kumpiyansa rin ang kanyang Brazilian challenger na maaagaw ang championship belt.
Ayon kay Moraes, naghanda siya nang husto bago pumunta sa Pinas para harapin ang Pinoy.
“I came here with a mission to win the crown and bring it to Brazil,” wika ni Moraes.
“I know he is tough and hard to beat being the champion. I prepared for this fight. I trained hard because I don’t want to get disappointed. I travelled several hours from my country all the way to the Philippines to face him in a title showdown,” sabi ng Portuguese speaking martial expert. CLYDE MARIANO
Comments are closed.