ONE-CHILD POLICY SA PINAS MALABO

POPCOM

MALABONG maipatupad sa bansa ang ‘one-child’ policy, ayon sa Commission on Population (POPCOM).

Ito ay sa kabila ng pag-aaral ng POPCOM na posibleng madagdagan ng 2 milyon ang populasyon kada taon sa bansa, na nakikita nilang banta sa mas malalang sitwasyon ng kahirapan.

Ayon kay Herita Macarubbo, director ng POPCOM Region II, nakasaad sa  Saligang Batas ang karapatan ng mag-asawa na magplano sa bilang ng kanilang magiging anak.

Ang family planning pa rin, aniya, ang solusyon upang maiwasan ang tuluyang paglobo ng populasyon sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Macarubbo na may mga programa sila na naglalayong mabigyan ng sapat na impormasayon ang mga mag-asawa kaugnay sa pagpaplano ng pamilya.          BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.