IKINALUNGKOT ng isang grupo ng mga health worker na marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng RA 11712 o ang Health Emergency Allowance for the Health Workers Act, na dating One COVID allowance.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Alliance of Health Workers (AHW) National President Roberto Mendoza na mayroon nang pondong inilaan para sa buwan ng Enero hanggang June 2022 sa ilalim ng General Appropriations Act.
Pero aniya, hindi pa rin ito natatanggap ng iba pang health workers lalo na iyong nasa pribadong sektor.
Binigyang-diin naman ni Mendoza na naglabas ang pamahalaan noong Oktubre ng mahigit 11 bilyong pisong pondo para ibigay sa mga naturang indibidwal ngunit hindi pa rin aniya nakatanggap ang lahat.