Story & photos by
Jayzl Villafania Nebre
Nag-iisang Tiger Safari ang Zoobic Safari sa Piliupinas na matatagpuan sa gitna ng kakahuyan sa Subic Bay Freeport Zone.
May 25 ektarya ang nasabing forest adventure park, na pihadong ikatutuwa ng mga pupunta dito. Kakaiba sa maraming zoo sa bansa, makakasalamuha ninyo ng harapan ang mga hayop dito. Sabi nga nila, up close and personal. Syempre, sa tulong ng mga tour guides. Ito na ang pinakamalapit nyong encounter sa totoong animal jungle safari sa bansa.
Bukas ito 8 AM to 4 PM, sa entrnce fee na PHP 895 per adult at mga batang mahigit nang four feet ang taas. Kung mas mababa dito, PHP 795, at yung wala pang three feet ang hreight ay free ang entrance.
Kung tutuusin, dalawang oras at kalahati lamang ang tour sa mga atractions dito, pero dahil medyo mabagal kami, inabot kami ng maghapon. Doon na rin kami agtanghalian. Actually, pumasok kami ng 9:30 am at nakalabas kami ng 4:00 pm pero na-experience naming ang Zoobic Park, Tiger Safari, Croco Loco, Serpentarium, Tiger Close Encounter & Lion Close Encounter, plus may iba pang shows. Mas maraminng outdoor activities ang Zoobic Safari kaya tamang tama lamang na bumisita dito kung tag-araw.
It’s an overwhelming experience na na-enjoy naming lahat. Yun nga lang, bawal magdala ng pagkain sa loob at sobrang mahal ng food and drinks sa loob. Pero kung enjoyment ang usapan, walang kwestyon dyan. JVN