ONE GINEBRA NATION: ISANG PAGDIRIWANG SA IKA-185 TAON NG GINEBRA SAN MIGUEL

ONE GINEBRA NATION

BILANG pinakamatagal na consumer product sa merkado ngayon, ang Ginebra San Miguel ay parte na ng kasaysayan ng Filipinas. Saan man sa bansa, ano man ang estado sa buhay, sa magarbo o simpleng pagtitipon, ito ay parte ng bawa’t selebrasyon. Higit sa inumin, ang Ginebra ay kumakatawan sa ganado, hindi sumusuko at never-say-die spirit ng mga Filipino.

Kaya naman sa pagdiriwang nito ng ika-185 taon, isang malaking pagtitipon ang naganap kamakailan kasabay ng World Gin Day na ginanap sa Seda Vertis North, Que­zon City.

Akma sa tema nitong “One Ginebra Nation”, ibinida ng Ginebra San Miguel ang makulay nitong kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatampok ng iba’t ibang piyesta at pagkaing Pinoy na maipagmamalaki sa buong mundo. Kapares ang mga inihandang pulutang Pinoy, hindi siyempre nawala ang nakagisnan nang pagtagay sa Ginebra San Miguel.

Sa pangunguna ni Miss Universe 2015 at Ginebra San Miguel Ca­lendar Girl Pia Wurtzbach, aktres at endorser ng GSM Blue na si Sue Ramirez, at sikat na komedyante at GSM Premium Gin endorser na si Alex Calleja, iba’t ibang Ginebra cocktails mula sa orihinal na recipes ng world-class mixologists na sina Kalel Demetrio, Enzo Lim at Icy Mariñas ang ginawa para sa mga panauhin.

Naghain naman ang sikat na chef na si Rolando Laudico ng mga pulutan na masarap ipares sa gin tulad ng sisig, laing, Ilocos empanada, Vigan longganisa at Pansit Habhab ng Luzon; Cebu lechon, Chicken Inasal, lumpiang ubod at chorizo Cebu ng Visayas; at tuna kinilaw, satti, pyanggang manok at sinugbang liempo at marlin ng Mindanao.

Tampok din sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng musical tungkol sa 185-taong kasaysayan ng Ginebra San Miguel na idinirehe ng award-winning director na si Rommel Ramilo at pinagbidahan ng aktor mula sa sikat na musical na Miss Saigon, si Gerald Santos, kasama ang mga endor­ser na sina Pia Wurtzbach, Sue Ramirez at Alex Calleja na may espesyal na pagganap.

Ikinuwento sa pamamagitan ng mga awitin at sikat na Ginebra San Miguel jingles ang pag-usbong ng isang iconic Filipino brand. Mula sa kauna-unahang bote ng Ginebra San Miguel na ginawa sa isang maliit na distileriya sa Quiapo noong Marso 10, 1834, ipinakita kung paano ang isang brand na unang tinangkilik ng mga Kastila na nanirahan sa Filipinas  at kalauna’y minahal din ng masang Filipino dahil sa hatid nitong pampagana at tapang.

Ang paglaganap ng Barangay Ginebra kasabay ng pagtatag ng basketball team na pinangunahan noon ng itinuturing na ama ng never-say-die spirit na si Robert Jawors­ki, Sr. ang nagpalapit pa lalo sa brand sa mas nakararaming Filipino.

Ang pagdiriwang ng World Gin Day ay patikim pa lamang sa paglulunsad ng One Ginebra Nation Tour. Magkakaroon pa ng promos at pakulo ang Ginebra sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas kabilang ang paglibot ng One Ginebra Nation Truck kung saan makatitikim ng iba’t ibang Ginebra handcrafted cocktails na ginamitan ng mga sangkap na sariling atin. Ang detalye ng events at mga patok na gin mix at pulutan na sikat sa iba’t ibang lugar sa Filipinas ay makikita sa bagong lungsad na website: www.one­ginebranation.com.

“Mula pa taong 1834, sinasalamin na ng Gineb­ra San Miguel ang katapangan at never-say-die spirit ng mga Filipino. Bilang pinakaunang gin sa Fi­lipinas, ipinagmamalaki namin ang pamana at kasaysayan nito dahil ang kuwento ng Ginebra San Miguel ay kuwento ng bawat isa sa atin. Ang kuwento ng Ginebra San Miguel ay kuwento ng mga Filipino,” ani Gineb­ra San Miguel marketing manager Ron C. Molina.

Ang World Gin Day ay inorganisa ni Neil Houston sa England noong 2009. Taong 2014 nang unang ipinagdiwang sa Filipinas ang World Gin Day sa pa­ngunguna ng Ginebra San Miguel. Ang World Gin Day ay idinaraos tuwing ikalawang Sabado ng buwan ng Hunyo.

Kasama sa loob ng halos sampung henerasyon mula pa 1834, ang Gineb­ra San Miguel ang unang maiisip kapag pinag-usapan ang gin sa Filipinas.

Comments are closed.