‘ONE GOOD VOTE’ SA MAY POLLS, HINILING

PPCRV-2

HINIKAYAT  ng isang Catholic prelate ang mga botante na gamitin ang kanilang ‘one good vote’ sa midterm elections dahil ito ang susi upang masolusyunan ang mga problema ng bansa sa kahirapan, korupsiyon, kabastusan, kasinu­ngalingan at kamatayan.

Sa ginawang paglulunsad ng kampanyang One Good Vote ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kamakailan, ipinaliwanag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, subalit ang politika ay likha lamang ng tao kaya naman nakadepende rin sa tao kung makabubuti ito o makasasama.

Ayon pa kay Villegas, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na mabuti, mahalagang matutunan nito na palagiang piliin ang kabutihan.

“Ang politika, nilikha ng tao, para sa tao. Bumubuti ang politika depende sa tao, dumudumi ang politika depende sa tao. Hindi katulad ‘yan ng tao, ng bituin, ng halaman, ng bundok, itong mga bagay na ‘to, dahil nilikha ng Diyos, mabuti ‘yan. Pero ‘yung nilikha ng tao depende sa tao kung magiging mabuti o masama… kung ikaw ay good created like God bakit ka pipili ng bad? If God created you good, you must always choose good,” ani Villegas.

“Vote for God, Vote for Life, Vote for courtesy, vote for good manners, vote for charity, vote for the poor, mangako tayo ngayon sa harap ng Diyos, bubuti ba ang politika at magsisimula sa kabutihan ko,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

 

Comments are closed.