IPATUTUPAD ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang One Health Pass ng Bureau of Quarantine (BOQ) at ang Department of Transportation (DOTr) One Stop Shop upang maging convenient at seamless ang galaw ng mga international traveller.
Agad nagpalabas ng direktiba ang Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTr), na mula Setyembre 1, 2021, kinakailangang i-comply o sundin ang One Health Pass palabas ng bansa.
Kasabay nito naglabas din ng resolution no. 135 series of 2021, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) bilang rekomendasyon na i-adopt at i-promote ang paggamit ng One Health Pass at One Stop Shop bago mag-board sa kanilang flight.
Ang hindi susunod sa direktiba ay mapapatawan ng kaparusahan sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 2021 -01.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Office head Connie Bungag, ang mga pasahero ay may pagkakataon na mag-apply online bago ang kanilang flight schedule upang hindi maabala ang kanilang pag-alis.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paggamit ng One Health Pass ay isang online health declaration tool ng Bureau of Quarantine at DOTr.
Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ay nakikipaglaban sa COVID-19 infections na dala ng Delta Variant na umabot na sa buong mundo. F MORALLOS
63495 979109Rattling clean internet web site , thanks for this post. 868964
18021 746652omg! cant picture how quick time pass, after August, ber months time already and Setempber may be the initial Christmas season in my location, I genuinely really like it! 111078
440837 631490Fantastic internet site you got here! Yoo man excellent reads, post some a lot more! Im gon come back so better have updated 594019