ONE MERALCO FOUNDATION AKTIBONG NAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA LGU UPANG PALAKASIN AT PATATAGIN ANG MGA KOMUNIDAD

SA PANAHON ng sakuna tulad ng pagaalboroto ng Bulkang Mayon na laman ng mga balita ngayon, mahalaga na maisakatuparan ang mga plano at pagtugon sa kalamidad upang mapangalagaan ang buhay at ng komunidad.

Bagama’t hindi na dapat ikagulat ang mga ganitong pangyayari gaya ng lindol at pagiging aktibo ng mga bulkan sa mga bansang na napapabilang sa Pacific Ring of Fire tulad ng Pilipinas.

Dahil sa pagkakabilang ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire mas mataas ang panganib na maharap tayo sa mga kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan, lindol, at bagyo. Bunsod nito patuloy na nakikipagtulungan ang pamahalaan sa pribadong sektor upang palakasin ang pagpaplano at paghahanda sa pagtugon sa kalamidad ng bansa.

Sa katunayan, kabilang sa mga inisyatiba ng pamahalaan ang paglunsad kamakailan ng isang web application na tinatawag na “PlanSmart Ready to Rebuild”.

Pinangunahan ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, sa pamamagitan ng Department of Science and Technology o DOST, Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, Office of Civil Defense o OCD, at sa pakikipagtulungan sa World Bank noong Setyembre 2022.

Ang PlanSmart ay binuo para ma-overhaul at gawing moderno ang mga proseso ng pagpaplano ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng bansa. Ang web application na ito ay inaasahang makakatulong sa mga opisyal ng mga LGU sa pagbabalangkas ng isang mahusay na plano na magbibigay daan sa mas mabilis na pagbangon matapos ang isang kalamidad.

Bilang pinakamalaking electric distribution utility sa bansa, kinikilala ng Meralco ang mahalagang papel nito sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa. Buong pusong sumusuporta ang kumpanya sa mga inisiyatibo ng pamahalaan hindi lamang sa pagpapalakas at pagpapalago ng ekonomiya, kundi pati na rin sa pagpaplano, paghahanda at pagtugon sa tuwing may kalamidad. Kaya naman, nang inilunsad ang PlanSmart web application, nakita ng Meralco ang kahalagahan nito upang higit pang makapabigay ng suporta sa gobyerno.

Mula noong Nobyembre ng nakaraang taon, sa pamamagitan ng One Meralco Foundation o OMF, ang social development arm ng Meralco, naging aktibo ang kumpanya sa pagbibigay ng suporta sa iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa PlanSmart. Kabilang dito ang isang serye ng mga regional training session na naglalayong palakasin ang disaster response capabilities ng LGUs.

Mahigit 180 na kalahok mula sa 52 LGUs sa Metro Manila, Southern Tagalog Region, at maging sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na mga miyembro ng kani-kanilang disaster rehabilitation at recovery programs ng LGU ang nakinabang sa mga capacity-building activities.

Sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng isang training session ng nasabing web application, sinabi ni OMF President Jeffrey O. Tarayao, “The PlanSmart Ready to Rebuild is an investment for the safety and survival of our people and the livelihoods and communities we have built. PlanSmart is a very important downpayment. It is now our responsibility to pay for the balance by learning to utilize this for the good of the country and its future.”

Bukod sa pagpapatupad ng mga emergency preparedness at disaster response operations, sinusuportahan din ng OMF ang mga komunidad sa buong bansa sa pamamagitan ng mga programang pang-elektripikasyon nito. Sa tulong ng matatag na grassroot partnerships nito, nakapaghatid ang OMF ng mga pangmatagalang solusyon na may pangmatagalan epekto sa mga komunidad sa loob o labas ng franchise area ng Meralco.

Ayon kay Meralco Chairman, President and CEO Manny V. Pangilinan, “Meralco always faces challenges head on, driven by our commitment to continue delivering valuable service not only to our customers and shareholders, but also to Government partners and the public”.

Ang pagbangon ng ating bansa pagkatapos ng kalamidad ay may direktang kaugnayan sa ating antas ng kahandaan laban sa mga kalamidad. Sa tuwing nahaharap ang ating bansa sa anumang anyo ng sakuna, ang ating pangunahing layunin ay mabawasan ang pagkawala ng mga buhay at upang pagaanin ang epekto nito sa ating imprastraktura at ekonomiya. Sa pamamagitan nito, ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor na nakatuon sa layuning ito ay napakahalaga dahil ang epektibong paghahanda ay nangangailangan ng sama-samang pagsisikap upang matiyak na ang mga komunidad sa buong bansa ay mas ligtas at mas matatag.