HINIMOK ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) managing director Jeremiah ‘Greco’ Belgica ang lahat ng local government units (LGUs) na magtayo ng kanilang sariling one-stop business shops.
Ayon kay Belgica, ito ay upang maiwasan ang lahat ng uri ng pangungurakot na nagaganap sa iba’t ibang ahensiya ng go-byerno.
Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mabilisang proseso ng government documents.
Matatandaang isa sa pinuna ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang matagal na paglabas ng mga dokumento na ipinoproseso sa iba’t ibang opisina ng gobyerno na nagiging dahilan pa ng ilang tiwaling kawani ng pamahalaan upang mang-abuso at manghingi ng ‘padu-las’ para lamang mapadali ang paglabas ng kanilang hinihinging dokumento. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.