BINUKSAN kahapon ng pamahalaan ang National Business One-Stop Shop sa Securities and Exchange Commission na nagsasama-sama sa mga proseso ng iba’t ibang ahensiya sa isang lokasyon para sa oneperson corporation applicants.
Ang NBOSS ay isang physical co-location para sa mga ahensiya na may kaugnayan sa pagsisimula ng negosyo, kabilang ang SEC, Bureau of In-ternal Revenue, Social Security System, Philippine Health Insurance Corp., at Home Development Mutual Fund.
Ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, plano ng pamahalaan na magbukas ng mas maraming NBOSS locations sa highly urbanized cities ngayong taon, kasunod ng physical co-location para sa Metro Manila.
“The NBOSS and the Central Business Portal that is developed by the Department of Information and Communications Technology (DICT) will improve the business process to nine steps in seven days from 13 steps in 33 days of processing,” ayon sa ARTA.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na matapos ang paglulunsad sa NBOSS ay ang automation ng mga proseso upang mapadali pa ang proce-dures sa pagsisimula ng negosyo.
“It is in automation that we really experience ease of doing business,” aniya.
Anang kalihim, ang online function ng NBOSS ay lalong magpapabilis sa procedures sa isang araw lamang.
“Ang pinaka-importante ay talagang madadalian ang taumbayan. Wala nang pila. Wala nang pabalik-balik,” sabi pa ni Lopez.
“That’s the kind of mindset we should have in government.”
“We all want more investments. We all want more jobs to be created. And that’s why we improve ease of doing busi-ness,” ani Lopez. PNA
Comments are closed.