ONE-STRIKE POLICY PARA SA INDISCRIMINATE FIRING IPATUTUPAD NG PNP

baril

QUEZON CITY – IPATUTUPAD ng Regional Tactical Operation And Information Center of the PNP ang One Strike policy, na nagsasaalang-alang sa mga insidente ng kamatayan at kapahamakan dahil sa indiscriminate firing sa darating na kapaskuhan at bagong taon.

Base ito sa Paskuhan 2019 isang operational guidelines noon pang Nobyembre 22, 2019 na tumatalakay sa pagpapatakbo ng mga alituntunin, pamamaraan at mga aktibidad ng PNP sa obserbasyon ng darating na Pasko at Bagong Taon.

Ang alituntuning ito na One strike policy ay nagsasaad na sa mga lugar na may insidente ng kamatayan at kapahamakan na dulot ng indiscriminate firing nararapat lamang na maresolba sa loob ng 24 oras matapos  iulat ang insidente.

Dahil dito mas pasisiglahin at paiigtingin ng kagawaran ng PNP ang pagpapatrol at paglalagay ng karagdagang opisyal na itatalaga sa bawat lugar na nasasakupan. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.