ISTRIKTONG ipatutupad ng Department of Agriculture (DA) ang “one strike policy” para sa mga opisyal at empleyado ng ahensiya na madadawit sa katiwalian gayundin sa illegal drugs.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kabilang ito sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibinilin nang manumpa siya sa kanyang tungkulin sa Palasyo.
Aniya, alam naman ng halos karamihan na galit ang Pangulo sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno lalo na ang mga gumagamit ng ilegal na droga, kaya agad nitong binalaan ang mga kasamahan sa kagawaran upang iwasan na madawit sa naturang mga problema.
Makabubuti aniya na pagtuunan na lamang ng pansin ang kanilang mga trabaho sa departamento upang maibigay sa publiko ang tapat na serbisyo na nararapat lamang ipagkaloob sa mamamayan.
Nauna rito, sinabi ni Dar na pangunahing pagtutuunan niya ng pansin ang katiyakan sa food security habang umuunlad ang agriculture sector. BENEDICT ABAYGAR, JR.