ISABELA-MAGLULUNSAD ng one time bigtime operation ang Highway Patrol Group (HPG)-Isabela matapos makatanggap ng ulat na may papasok at papalabas na mga colorum na van sa lalawigang ito.
Ayon kay P/Major Rey Sales, Provincial Officer ng HPG-Isabela, mayroon na silang mandato na mula sa HPG National Headquarters sa Camp Crame may kaugnayan sa mga van na nagbabalak magbibiyahe patungo ng Metro Manila at papasok ng Region 2.
Sinabi pa nito, maliban umano sa mga pasaherong aarkila ng mga colorum na mga van ay babantayan din ng HPG-Isabela ang mga cargo truck na nagpupuslit ng mga Unauthorized Person Outside Residence (non-APOR) papasok ng Region 2.
Gayundin, mayroon na ring nasasangkot sa colorum operation ng ilang mga SUV na madalas na ginagamit na papasok at papalabas mula sa lambak ng Cagayan na ang idinadahilan ay ang kasalukuyang pandemya.
Inamin ng pamunuan ng HPG-Isabela na nahihirapan din sila sa kasalukuyang pagluluwag ng mga checkpoint sa kanilang nasasakupan, kung saan ay hindi lahat ng bayan ay pare-pareho ang mga ipinatutupad na panuntunan.
Napag-alaman pa mula kay Sales, kadalasan umano sa kanilang mga nahuhuli ay ang mga nagmamaneho ng motorsiklo na walang helmet at mga 4-wheels na hindi nakarehistro.
Maliban sa mga paglabag na tinitignan nila sa mga passenger van ay ang page-obserba sa social distancing sa loob ng sasakyan at dapat ay nakasuot ng face mask at face shield ang lahat ng mga pasahero na kapag maaktuhan ay maaari nilang mabigyan ng ticket ang driver at sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11332. IRENE GONZALES
567948 311422Likely to commence a business venture around the refers to disclosing your products and so programs not just to individuals near you, remember, though , to several potential prospects far more via the www often. earn cash 505965
465784 809560I enjoyed reading your pleasant web site. I see you offer priceless info. stumbled into this web site by chance but Im confident glad I clicked on that link. You certainly answered all of the questions Ive been dying to answer for some time now. Will certainly come back for more of this. 901061