TARGET ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na makapag-deploy ng 10 mechanical onion seeders na makapagpaparami sa ani ng mga magsasaka ng hanggang 5 metric tons (MT) per hectare ngayong taon.
Ayon kay PhilMech Senior Science Research Specialist Ma. Cecilia Antolin, nakapagprodyus na sila ng apat na 10-row onion mechanical seeder (10-ROMS) habang anim pang makinarya ang nakatakdang gawin.
Sinabi ni Antolin na ang 10-ROMS ay nagpakita ng kahanga-hangang resulta mula sa pilot tests nito na isinagawa ngayong taon kung saan ang makina ay makatutulong sa mga magsasaka na maparami ang kanilang ani at mabawasan ang kanilang production costs.
Aniya, ang 10-ROMS ay gumagamit lamang ng 12 hanggang 15 lata ng onion seed per hectare kumpara sa 18 hanggang 28 lata na ginamit sa pamamagitan ng broadcasting seeding system.
“Through the use of 10-ROMS machine farmers had an additional yield of 714 kilograms per hectare.”
Gayunman, ang seed rate ng 10-ROMS ay mas mataas kumpara sa 9 hanggang lata na ginagamit ng mga magsasaka sa pamamagitan ng turo direct seeding system.
“Under the turo seeding system, the distance used by farmers is too wide. Using our machine, the distance is smaller which translates to higher yield,” aniya. “Based on our study, production increased by around 5 metric tons per hectare compared to the turo seeding.” JASPER ARCALAS
Comments are closed.