OPISYAL nang binuksan ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) ang PMA Online Cadet Application System para sa PMA Entrance Examination 2024.
Ito ay para sa mga Kabataang babae at lalaki na naghahangad na mapasama sa PMA Class 2029.
Ayon kay Major Maria Charito M Dulay, Chief Public Affair Office, PMA sinimulan ang PMA Cadet Online Application System nitong Mayo 1 ng alas-8 ng umaga at matatapos hanggang alas-8 din ng umaga ng Agosto 1, 2024.
Ilan sa mga kuwalipikasyon para maging PMA Cadet ay dapat natural born Filipino, nasa edad 17 at hindi lalagpas ng 22-anyos, senior high school graduate, nasa 5 feet pataas ang height, single, mayroong good moral character at iba pa.
Kinakailangan lamang ipasa ang application online sa https://admission.pma.edu.ph
Ang PMA graduates ay awtomatikong second lieutenants sa Philippine Army (PA) at Philippine Air Force habang ensign naman para sa Philippine Navy (PN).
VERLIN RUIZ