ONLINE APPOINTMENT SYSTEM PINAIGTING NG BI

Jaime Morente

PINAIGTING  ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang online appointment system sa kanilang opisina upang maiwasang mahawa sa covid-19 ang transacting public.

Matatandaan na isinulong ng ahensiyang ito ang online appointment noong nakaraang buwan ng Hunyo, upang makasiguro na nasusunod ang social distancing protocols ng Inter-agency task force on Covid-19.

Bukod sa online appointment, naglabas din ng kautusan si Commissioner Morente tungkol sa implementasyon ng separate appointment para sa accredited entities, upang mabawasan ang person-to-person contact, na maaring  magdala ng virus.

Dagdag pa nito na mananatiling bukas ang kanilang  field at district offices sa buong bansa,  para sa ibat-ibang immigration transaction. FROI MORALLOS

Comments are closed.