PINASUSUSPINDE ni Quezon City Rep. Precious Castelo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ‘indefinitely’ ang online bank transfer fees.
Ang apela ng kongresista ay bunsod na rin ng pagpapataw muli ng ilang mga bangko at online money remittance platforms ng charges sa online transactions sa kabila ng panawagan ng publiko at mga mambabatas na ipagpaliban muna ang paniningil nito kahit hanggang sa katapusan lang ng taon.
Sa House Resolution 1271, umaapela ang kongresista sa BSP na suspendihin ang singil sa online bank transfer ‘indefinitely’ o hanggang sa mawala ang COVID-19 pandemic.
Giit ni Castelo, marapat lamang na i-waive muna ang transfer fees hanggang sa matapos ang pandemya dahil malaking tulong ito sa mga Filipinong apektado ng health at economic crisis.
Binigyang-diin niya na iobliga ng BSP ang lahat ng mga bangko at financial intermediaries na nasa hurisdiksiyon nito na su-munod sa direktiba na ipagpaliban muna ang pagpapataw ng transfer charges.
Dagdag pa ni Castelo, kaya namang i-waive muna ng mga bangko at online money remittance plat-forms ang charges dahil hindi naman sila dito kumikita ng malaking pera. CONDE BATAC
Comments are closed.