ONLINE BIZ REGISTRATION LUMOBO SA GITNA NG PANDEMYA

E-COMMERCE

DUMAMI ang kumuha ng business name sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa record ng DTI, marami ang nagparehistro ng kanilang negosyo kahit pa ilang buwang nag-lockdown ang bansa dahil sa coronavirus disease.

Sa ngayon, sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na lalo pang darami ang magpaparehistro dahil marami pang magbubukas na negosyo.

“As they said, it’s not difficult to be better this 2021 because what really happened in 2020 —  the height of our lockdowns, there was almost no economic activity,” ayon kay Lopez.

Aniya, kapansin-pansin ang dami ng mga nagparehistro sa pamamagitan ng online at karamihan, ang pinasok na negosyo ay sa sektor ng digital.

“Our registration in (e-commerce) was more than 40 times — not 40 percent, 40 times. Before, less than 2,000, those who registered as of March were 1,700 and this increased to about 88,000 towards November… so those who registered significantly increased especially in online businesses,” paliwanag pa ni Lopez.

Pinatunayan lamang, aniya, nito  na ang mga Filipino ay sadyang madiskarte sa hanapbuhay.

“Filipinos are really entrepreneurial as they look for ways to survive,” ayon pa sa kalihim.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.