ONLINE BIZ REGISTRATION PINA-EEXTEND SA BIR

BIR-2

NANAWAGAN ang ilang ­kongresista sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ang July 31 registration deadline para sa online sellers upang matulungan silang makayanan ang COVID-19 pandemic.

“Small businessmen should not bear the brunt of what appeared to be a hastily drawn up deadline, when the law requiring online seller registration had been in place since 2013,” wika ni APEC party-list Rep. Sergio Dagooc.

“Baka po puwede po ninyong iurong ‘yung deadline hindi naman po nila kasalanan na ura-urada ninyong ini-ssue ‘yan na may penalty na 2013 pa pala ‘yan,” pakiusap ni Dagooc.

Magugunitang nagpalabas ang BIR noong Hunyo 10 ng memorandum na nag-aatas sa mga online seller na magparehistro hanggang Hulyo 31.

Nakiusap din si ACT-teachers party-list Rep. France Castro sa BIR na huwag madaliin ang registration.

“Very soon at very unfair sa mga mamamayan na gustong makabangon tapos ganito na mamadaliin tapos may penalty by July 31,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni BIR Commis­sioner Caesar Dulay na ­maaaring ikonsidera ang pagpapalawig sa deadline.

“It should be considered by us. I assure you that before the deadline we will come back with additional circular,” ani Dulay.

Comments are closed.