TUMAAS sa mahigit 75,000 ang bilang ng online businesses na nagpatala hanggang ngayong Setyembre mula sa 1,700 lamang bago magsimula ang lockdown noong mid-March, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa isang statement, sinabi ng DTI na ang online business registrants ay lumobo sa 75,876 hanggang nitong Setyembre 2 mula sa 1,753 lamang noong Enero hanggang Marso 15 , bago magsimula ang community quarantines.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang online registration ay tumatagal lamang ng 8 minuto.
Bahagi, aniya, ito ng kampanya ng pamahalaan na tanggalin ang red tape para magkaroon ng ease of doing business.
Samantala, base sa pinakabagong datos na ipinalabas ng Business Name Registration Division (BNRD) ng DTI, ang kabuuang bilang ng business names na nakarehistro sa ahensiya hanggang nitong Setyembre 2 ay umabot na sa 712,,657, mas mataas ng 12% kumpara sa 637,690 na naitala noong 2019.
“We are pleased to know that our citizens are starting their businesses right by registering their business with appropriate government agencies, such as the DTI,” wika ni Lopez.
“I think the end to end registration system is the reason for the increase. With the online business name registration system (BNRS), I believe that our entrepreneurs find it easier to comply as they can finish the entire registration process within eight minutes. This platform is readily available to the public in the comfort of their own homes,” dagdag pa niya. said.
Comments are closed.