ONLINE CHILD PORNOGRAPHY NAMAMAYAGPAG

online

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senadora Imee Marcos ang nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng child sex abuse sa online mula nang ipatupad ang mga lockdown kontra sa pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Sa inihaing Senate Resolution 487, pinabubusisi ni Marcos ang lumalaking bilang ng mga kaso ng online child pornography na nag-triple mula Marso hanggang Mayo kumpara noong nakaraang taon, base na rin sa report ng Department of Justice at Department of Social Welfare and Development.

Ang Filipinas ang sinasabing “global epicenter of the live-stream sex abuse trade” at ang nangungunang pinanggagalingan ng child pornography, ayon sa ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ang pagkaaresto sa American pedophile na si Michael Kent Clapper, ayon sa tip na binigay ng US Embassy sa Manila, ay isa lamang sa mga police operation mula nang lockdown noong Marso, maliban pa sa pagsagip ng Philippine Internet Crimes Against Children Center sa 34 na menor de edad sa Luzon hanggang Mindanao na ginamit sa online pornography.

Comments are closed.