ONLINE CLASSES SA VALENZUELA KANSELADO KAPAG BUMABAGYO

Valenzuela City

KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo alinsunod sa panuntunan sa suspensyon ng klase sa panahon ng distance learning ng pamahalaang lungsod.

Kapag signal No. 1, suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia-upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel.

Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag signal No. 2 at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido.

Gayundin ang trabaho ng Department of Education ay kanselado na kapag signal No. 3, maging ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase.

Maaaring panuorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang learning modules.

Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), puwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho. EVELYN GARCIA

Comments are closed.