ONLINE EXPLOITATION SA MGA BATA PINUNA NI TAGLE

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

NANAWAGAN  si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na bantayan ang mga bata laban sa sexual exploitation  sa online, kasabay ng paghimok sa mass media workers na labanan ang paglala nito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng gospel values sa social media.

Ang special message ni Tagle ay ibinahagi nito sa  “Dinner with the Cardinal: Sharing a Moment of Grace,” na fund-raising din-ner-concert  na host ang Catholic Mass Media Awards  (CMMA)  nitong Lunes sa Citystate Tower Hotel sa Ermita,  Manila,  bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo nito.

Dinaluhan ito ng mga sponsor at mga tagasuporta ng proyekto, CMMA judges at mga miyembro ng  board of trustees sa pangunguna ni D. Edgard A. Caba­ngon, acting chairman, officers at staff.

Sinabi ni Tagle na siya ay nalulungkot sa mga ulat  na kanyang narinig sa isang interfaith alliance conference sa Abu Dhabi  na ang Filipinas ay  kabilang sa mga bansa na nangunguna sa  online exploitation  ng mga bata. “The Philippines is named as one of the top producers of such horrible materials, with Cebu known as the center of online exploitation of children,”  pahayag ng  Cardinal. “In two years, we will be celebrating the 500th year of the coming of Christianity to the  Philippines through Cebu, but  now Cebu is known not as the cradle of Christianity,  but as the center of online exploitation of children,” dagdag pa nito.

Inamin nito na nakabubuti ang modern information at communication technology, ngunit kung sa masama gagamitin  ang so-cial media, mauuwi ito sa mapa­nganib na resulta.

Para sa CMMA, sinabi nito na, ang hamon ay kung papaanong  maipakakalat sa social media  ang gospel values o ang mga salita ng Diyos. at kung papaano ang pamilya ay maging mapangalaga sa kanilang mga anak, at kung papaanong  ang  social communication  ay maging daan para maging ins­trumento ng pag-ibig.

Pinasaya naman ni Cardinal Tagle ang mga bisita nang ito ay umawit ganoon din sina Father Jojo Buenafe, chairman ng Produc-tion, at Hans Magdurulang, judges coordinator.

Nanguna naman sa mga tampok na artists sa concert ang Filipino soprano na si Rachel Gerodias at kanyang kabiyak, premier South Korean baritone Byeong-in Park; dalawang kilalang  church-based singing groups,  na One Voice Choir of Santo Niño de  Paz Greenbelt Chapel sa Makati City, at ang  Light Side Movement Choir ng San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City.

CMMA-4

PINAGPALA UPANG MAGING INSTRUMENTO NG KABUTIHAN

SA kanya namang welcome remarks, sinabi ni G. Cabangon, acting chairman ng CMMA, na ang organisasyon ay pinagpala  na maging instrumento  sa paggawa ng kabutihan sa iba.

Ang proceeds ng dinner-concert ay gagamitin sa pagpondo  sa pagsasagawa ng  soup kitchen para sa low-income families, kung saan mamimigay rin ng mga regalo.

Ayon pa kay Cabangon, tiyak na  masaya at magpapasalamat ang kanyang amang si Ambassador Antonio L. Cabangon Chua,  dahil katulad ng itinuro nito na ibahagi ang biyaya sa iba. Si Amb. Cabangon Chua  ay namuno sa CMMA mula 1999 hanggang sa kanyang pagpanaw noong 2016.

Itinatag ang CMMA  noong 1978  ni Jaime L. Cardinal Sin, na noon ay arsobispo ng Manila,  upang bigyang pugay  ang mga naglilingkod  sa Panginoon sa pamamagitan ng mass media.

Itinuturing itong pinakamatagal at pinaka-prestihiyosong  awards body  ngayon, na may libo-libo nang kilalang media practitioners ang napagkalooban ng parangal sa mga larangan ng  telebisyon, cinema, radio, print, advertising, music, at internet.

Comments are closed.